Ipinamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pondo sa Local Government Units o LGU sa lalawigan ng Albay para sa mga benepisyaryo ng Cash-for-Work Program ng ahensiya.
Ayon kay DSWD Officer-in-Charge Emmanuel Leyco, ang munisipalidad ng Daraga ang unang nakatanggap ng pondo na abot sa P7,708,200 para sa kanilang 2,658 benepisyaryo, gayundin sa bayan ng Guinobatan. Ang ibang LGUs ay maaaring kunin ang kanilang tseke sa DSWD Field Office sa Legazpi City. Umaasa si Leyco na masimulan na ang Cash-for-Work anumang araw mula ngayon para magkaroon na ng source of income ang evacuees habang nanatili pa sila sa mga evacuation centers. Una nang naglaan ng pondo ang DSWD na P72 million pesos para sa short term projects ngayong buwan lamang ng Pebrero upang tulungan ang mga pamilyang apektado ng pagputok ng bulkang Mayon.MOST READ
LATEST STORIES