Ligtas na mula sa red tide toxin ang mga coastal waters ng Bataan.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nag-negatibo na sa paralytic shellfish poison ang mga kinuhang samples mula sa karagatang sakop ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay, at Samal.
Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, maari nang hanguin at ibenta ang anumang uri ng laman-dagat tulad ng shellfish at alamang na nakukuha sa coastal areas ng Bataan.
Pero paglilinaw ni Gongona, may ilang coastal waters pa rin sa bansa ang nananatiling positibo sa red tide toxin.
Kabilang sa mga ito ang bahagi ng Irong-Irong Bay sa Western Samar, karagatang sakop ng Leyte, at Carigara Bay, Lianga Bay sa Surigao del Sur, Honda bay, Puerto Princesa City sa Palawan, at coastal waters ng Milagros sa Masbate.
Paliwanag pa ng BFAR, bukod sa shellfish at alamang na ipinagbabawal na kainin, pwede namang kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango basta’t sigurihing nilinis ito nang maigi at tinanggalan ng lamang loob bago iluto.