MMDA maglalagay ng APEC lanes sa EDSA at Roxas Blvd

edsa trafficPara sa nalalapit na APEC Summit, magtatalaga ng ‘APEC lanes’ ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kahabaan ng EDSA at Roxas Boulevard.

Ang nasabing ‘APEC lanes’ ay eksklusibong ipagagamit sa mga delagado na dadalo sa APEC Summit sa buwan ng Nobyembre.

Apat na dedicated lanes anf ilalagay sa EDSA, partikular ang apat na innermost lanes. Dalawa sa southbound at dalawa sa northbound.

Magsisimula ang APEC lanes sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong hanggang sa bahagi ng SM Mall Of Asia sa Pasay City.

Samantala, sa Roxas Boulevard, ang buong southbound lane ang itinalaga ng MMDA para magamit at madaanan ng mga APEC delegates habang ang northbound ay gagawing 2-way para sa mga motorist.

Bubuksan ang nabanggit na APEC lanes sa EDSA at Roxas Boulevard para sa mga APEC delegates sa November 16 hanggang 18.

Magugunitang para maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa panahon ng APEC Summit ay nagdeklara na ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa Metro Manila mula Novemebr 17 hanggang 20.

Read more...