Klase sa Albay, Naga City at Cam Sur, suspendido dahil sa pag-ulan na dulot ng LPA

LPA OCt 1 pinasMaagang sinuspinde ang klase sa buong lalawigan ng Albay dahil sa nararanasang sama ng panahon doon mula kaninang umaga.

Sa post sa kaniyang Facebook page, sinabi ni Albay Governor Joey Salceda sakop ng suspensyon ang lahat ng antas sa mga public at private schools sa buong lalawigan.

Ito ay batay aniya sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council matapos na mag-isyu ng rainfall advisory ang PAGASA sa mga lalawigan sa Bicol Region dahil sa binabantayang LPA.

Ayon kay Salceda, bagaman isa pa lamang LPA, sinabi nitong dapat maging kampante ang publiko dahil maging ang ulang dulot ng LPA ay nagreresulta din minsan sa pagbaha at nagdudulot ng casualties. “Even LPAs can kill especially highly vulnerable children, senior citizens, persons with disabilities, pregnant women and lactating mothers,” ayon kay Salceda.

Samantala, bago mag alas 10:00 ng umaga, nag-anunsyo na rin ng suspensyon sa Camarines Sur sa lahat ng antas, habang Preschool hanggang Elementary naman ang suspensyon sa Naga City.

Maaga pa lamang nakataas na ang rainfall advisory ng PAGASA sa maraming lugar sa Bicol, at kaninang alas 8:20 ng umaga, muling nagpalabas ng abiso at binalaana ng publiko sa mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at minsang malakas na buhos ng ilan sa Catanduanes.

Sakop din ng rainfall advisory ang Sorsogon, Masbate, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte at ang ilang bahagi ng Marinduque, Romblon at Oriental Mindoro.

Read more...