Nagtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng labinganim na bagong prosecutors ng gobyerno.
Dalawa sa mga ito ay magiging bahagi ng prosecution staff ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre III.
Ito ay sina Editha Cañares Fernandez at Agnes Farida S. Bagaforo-Arellano II na magiging senior assistant state prosecutor at assistant state prosecutor.
Papalitan ni Bagaforo-Arellano ang nabakanteng pwesto ni Gail Stephanie C. Maderazo bilang assistant state prosecutor.
Samantala, labingisa sa mga bagong prosecutors ay itinalaga sa City Prosecutors’ posts habang tatlo sa Provincial Prosecutors’ offices.
Ang mga bagong talagang government prosecutors ay itinalaga sa Quezon, Iloilo, Maynila, Makati, Pasig, Pasay, Rizal at sa Department of Justice.