Pagiging magkaibigan ng Pilipinas at China mas tatatag pa ayon kay Ambassador Zhao Jianhua

File Photo

Kumpiyansa ang Ambassador ng China sa Pilipinas na lalong lalakas ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Sinaksihan ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang pagpasok ng Chinese New Year sa Binondo, Maynila.

Ayon kay Zhao, ang China at Pilipinas ay matagal nang magkaibigan at partners.

Patunay aniya dito ang dagsa ng maraming tao na nagdiwang ng Chinese New Year.

Ngayong year of the dog ay inaasahan ni Zhao na magiging number 1 ang turismo at investment sa Pilipinas.

Ang Binondo sa Maynila ang pinaniniwalaang pinakamatandang China Town sa buong Mundo at naging sentro ng pagdiriwang ng Chinese New Year.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...