Dumating na sa bansa ang mga labi ng Pinay OFW na si Joanna Demafelis na natagpuan sa loob ng freezer sa Kuwait.
Pasado alas 10:30 ng umaga nang lumapag ang Gulf Air na sinasakyan ng OFW.
Ang labi ng Pinay ay sinalubong ng kaniyang pamilya at mga kinatawan at opisyal ng DFA at OWWA.
Ayon sa mga kaanak ni Demafelis, hindi katanggap-tanggap ang sinapit ng kanilang kapatid.
Umapela din sila sa pamahalaan na mabigyan ng hustisya ang sinapit ni Demafelis.
Umaasa silang mahahanap na ng mga otoridad ang Lebanese at Syrian na amo ng OFW.
READ NEXT
Survivor sa Florida shooting nagtago sa closet; parehong sitwasyon dinanas ng kaniyang lolo 70 taon na ang nakalilipas
MOST READ
LATEST STORIES