Sa kaniyang tweet ikinuwento ni Carly Novell na siya ay nagtago sa isang closet para makaligtas mula sa suspek.
Pero ang mas nakatawag ng pansin sa netizens ay ang kwento ni Novell na ang parehong sitwasyon ay dinanas ng kaniyang lolo, 70 taon na ang nakalilipas.
Ayon kay Novel, noong 12-anyos pa lamang ang kaniyang lolo na si Charles Cohen, nagtago din ito sa closet habang pinagbababaril ng gunman ang ibang miyembro ng kaniyang pamilya noong Sept. 1949. Ang nasabing insidente ng pamamaril na tumagal ng 20-minuto ay kumitil sa buhay ng 13 katao.
Sa kaniyang tweet, sinabi ni Novell na 70 na ang nakalilipas mula nang mangyari ang mass shooting kung saan biktima ang pamilya ng kaniyang lolo.
At matapos ang maraming taon, nauulit pa rin ang ganitong insidente.
Umabot na sa mahigit 50,000 ang retweets ng nasabing post ni Novell at mahigit 140,000 na likes.