Opisyal ng Cainta, patay sa pananambang

 

Pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek hanggang mamatay ang isang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Cainta, Rizal, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Carlos Sale, chairman ng Office of Senior Citizens ng Cainta.

Base sa imbestigasyon, naghihintay ng jeep si Sale sa Barangay Santo Domingo, pasado alas-6:00 ng gabi para makauwi na mula sa isang party.

Doon na nangyari ang pamamaril kay Sale ng mga suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.

Dalawang tama ng baril ang natamo ni Sale na dahilan ng kaniyang pagkasawi.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis kung sino ang mga suspek at kung ano ang motibo ng mga ito sa pagpatay kay Sale.

Inaalam na rin kung may kinalaman ang trabaho sa pananambang ng mga suspek sa 62 anyos na opisyal.

Read more...