Matatandaang hinuli ng mga otoridad ng Hawaii si Quiboloy matapos makitaan ng daan-daang libong dolyar ang sinakyan niyang private plane.
Dumating si Quiboloy pasado alas-6:00 ng gabi ng Huwebes sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 (NAIA-1) sakay ng isang commercial flight.
Pinaiwan kasi sa Hawaii ang private plane ni Quiboloy na sinasabing nagkakahalaga ng US$15 milyon, dahil ginagawan ng paraan ng mga otoridad na makumpiska ito.
Samantala, tumanggi naman nang mag-komento si Quiboloy tungkol sa kaniyang pagkaka-detine.
Maliban sa pera, nakitaan din ng mga piyesa ng armas ang nasabing private plane ni Quiboloy, na napag-alamang pumunta sa Hawaii para sa isang concert.