Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, hindi naman lumabag sa anumang batas ang China nang bigyan nito ng mga pangalang Chinese ang limang undersea features na nasa Benham o Philippine Rise.
Sa ngayon aniya, idinulog na ng Philippine Embassy sa Beijing ang naturang usapin.
Gayunman, ipauubaya na lamang aniya ng Palasyo sa Department of Foreign Affairs kung nais pa nitong maghain ng diplomatic protest kontra sa China.
Matapos naman na bigyan ng pangalang Chinese ang mga undersea features sa Benham Rise, plano naman ng Pilipinas na bansagan rin ng mga Pilipinong pangalan ang mga ito.