Ayon sa Philippine Army, sinentensyahan ng reclusion perpetua o 30 taong pagkakabilanggo si Miguela Pnero alyas Ka Migs dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9516 at 12 taong pagkakakulong dahil sa paglabag sa RA 8294.
Si Pinero ay lider ng NPA sa Southern Quezon at Bondoc Peninsula. Ayon sa militar, nasa likod umano siya ng mga tangkang pangingikil, pananambang sa mga sundalo at panggulo sa mga proyekto ng gobyerno.
Nakadetine si Pinero sa Correction Institute for Women sa Mandaluyong City.
Inaresto siya ng 65th Infantry Battalion ng 2nd Infantry Division at Quezon Regional Police sa Barangay Calantipayan sa bayan ng Lopez noong February 5, 2012.
Ito ay sa bisa ng arrest warrant para sa dalawang bilang ng murder, rebelyon, multiple frustrated murder at robbery.
Narekober kay Pinero ang isang calibre .45 na pistol, isang granda at mga sangkap sa paggawa ng improvised explosive devices.