Patay sa Oplan Tokhang part 2 umakyat na sa 65 ayon sa PNP

Inquirer file photo

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na hindi madugo ang muling paglunsad ng Opan Tokhang.

Nakapagsagawa ng 4,339 na operasyon ang pulisya sa ilalim nito kung saan 2,137 drug suspects ang mga sumuko.

Mula naman nang ibalik sa giyera kontra iligal na droga ang PNP ay nasa 65 drug suspects ang napatay.

Ayon sa PNP, ang datos ay sa ilalim ng 4,613 operasyon ng pulisya na isinagawa sa buong bansa mula December 5, 2017 hanggang February 14.

Inaresto naman ang 7,103 suspek ng iligal na droga ang inaresto sa mga operasyon sa parehong panahon.

Ayon sa PNP, naberipika nila ang mahigit 11,000 pangalan na nasa anti-illegal drugs watchlist sa buong bansa noong nakaraang linggo.

Read more...