Mga baril ng NPA members narekober sa kanilang kampo sa Bukidnon

Inquirer file photo

Nakumpiska ng mga tauhan ng 88th Infantry batallion ng Philippine Army ang ilang mga baril at sangkap sa paggawa ng bomba na umano’y pag-aari ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Valencia City sa Bukidnon.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, nakabaon sa lupa ang mga baril na narekober ng mga sundalo.

Ipinaliwanag ni Lt. Sancho Tomaquin, Spokesman ng 88th Infantry Batallion ng Philippine Army na ilang mga rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan ang nagturo sa kampo ng kanilang mga dating kasamahan kung saan nabawi ang mga armas.

Dahil sa patuloy na presensiya ng mga rebelde kaya nagdagdag na rin ng mga tauhan ang militar sa lugar.

Nauna dito ay ilang mga sumbong ang tinanggap ng AFP kaugnay sa talamak na extortion activities ng mga rebelde sa mga sibilyan sa Valencia City.

Inamin naman ng ilang mga sumukong rebelde na kabilang sa mga nakikinabang sa nakokolektang revolutionary fund ng mga komunista ay ang ilang nilang mga front organizations sa Metro Manila at ilan pang mga lugar sa bansa.

Read more...