Aso na 6 na buwan nang nawawala, naglakbay ng halos 400 kilometro mula sa bahay ng amo

Photo Credit: Schutz & Rettung Zurich

Matapos ang anim na buwan mula nang siya ay mawala, natagpuan na ang isang aso na hindi sinukuang hanapin ng kanyang mga amo.

Nakatanggap ng tawag ang Ehret-Vath family, ang nag-aalaga sa aso na may pangalang Rapunzel, 8 taong gulang at isang German Sheperd.

Ayon sa tumawag, buhay ang kanilang alaga at binagtas ang border sa pagitan ng Germany at Switzerland.

Natagpuan si Rapunzel sa isang kalsada malapit sa Zurich na 400 kilometro ang layo sa tahanan ng Ehret-Veth family.

Kritikal ang kondisyon ng aso na sobra na ang payat, bali-bali ang buto at nakaranas ng hypothermia.

Sa isang press release, sinabing sinugod si Rapunzel sa University Zurich animal hospital at ginagamot ang kanyang mga buto at inaagapan ang nararanasang internal bleeding.

Ayon sa pamilyang nag-aalaga sa aso, nakatakas ito noong August 15 habang patungo ang pamilya sa isang local vet clinic.

Isang search operation ang inilunsad sa social media ng pamilya nang mawala ang kanilang alaga at pinuntahan pa kahit ang mga liblib na lugar upang malaman kung may nakakita dito.

Umaasa ang pamilya na makakarekober ang kanilang alaga at muling makakabalik sa kanilang tahanan.

Misteryo pa rin para sa kanila kung paano nalakbay ni Rapunzel ang layong 400 kilometro sa anim na buwan nitong pagkawala.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...