Ayon kay Central Visayas Police Regional Office Spokesman Supt. Reyman Tolentin, isang 71-anyos na matanda ang natangay ng flash flood sa Barangay Trinidad sa Guihulngan, Negros Oriental.
Nakilala ang biktima na si Gaudiosa Lania na nasa loob ng kanyang bahay nang mangyari ang insidente ng pagbaha.
Ayon naman sa Office of Civil Defense sa Caraga, apat na katao naman ang nasawi bunga ng pagguho ng lupa at pagbaha sa mga lalawigan ng Agusan del Norte, Surigao del Norte at Surigao del Sur.
Nakilala ang mga biktima sa Surigao del Sur na sina Biamora Angeles Ombat, 55-anyos, Zephaniah Conjurado 10-anyos na nasawi bunga ng landslide sa bayan ng Carrascal, Surigao del Sur.
Landslide din ang ikinasawi ng 75-anyos na matandang lalaki sa Placer, Surigao del Norte na nakilalang si Jaime Alipaspas Hondrado.
Nalunod naman s amalakas na agos ng ilog ang biktimang si James Tayong Banez, 21 anyos sa Santiago, Agusan del Norte.
Sa Cortes, Surigao del Sur kung saan unang tumama ang bagyo ay nakapagtala rin ng limang patay.