Ito ay matapos magkaroon ng snow volleyball exhibition sa Pyeongchang bilang pagnanais ng sport organizers na maisama sa hinaharap ang sport sa Winter Olympics.
Hindi ininda ng mga naglaro ang lamig sa ilalim ng niyebe.
Ayon kay Brazilian beach volleyball player Emmanuel Rego na na nagwagi ng gintong medalya sa 2004 Summer Games, hindi ito imposible.
Kasama ni Rego na naglaro ang mga volleyball players mula South Korea, China, Brazil, Austria at Serbia.
Iginiit ni Rego na hindi mahalaga kung malamig o mainit ang panahon at pwede anyang laruin ang volleyball kahit saan.
Ayon sa mga nag-organisa ng naturang exhibition match, umaasa sila na susundan nito ang naging kapalaran ng beach volleyball na naging isang Olympic sport na mula pa noong 1996 Summer Games.
Samantala, magaganap ang unang Snow Volleyball European Chamionships sa Austria sa Marso na paglalabanan ng tig-24 men at women teams.