Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, nais niyang mailusot ang BBL sa plenaryo para maipasa nila ito sa Senado sa lalong madaling panahon.
Tiniyak naman nito na hindi maisasakripisyo ang kunsultasyon para sa BBL.
Sa katunayan, sinimulan na tatlong komite ng Kamara ang BBL consultation sa Mindanao kung saan unang tinungo ng House Committee on Local Government, House Committee on Peace, Reconciliation and Unity at House Committee Muslim Affairs ang Cotabato City.
Nanawagan naman sina Anak Mindanao Reps. Marmod Mending Jr. at Amihilda Sangcopan sa mga kapwa mambabatas na suportahan ang BBL dahil matagal na itong hinihintay ng Bangsamoro people.