Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kanila nang pag-uusapan ng National Security Adviser at mga miyembro ng Gabinete ang naturang hakbang sa lalong madaling panahon.
Matatandaang naungkat ang naturang isyu nang madiskubre na naiparehistro na ng China noong nakaraang taon sa International Hydrographic Organization ang mga Chinese names na ibinigay nito sa limang undersea features sa Benham o Philippine Rise.
Gayunman, kinontra ng Pilipinas ang naging hakbang na ito ng China na anila ay malinaw na nasa loob ng exclusive economic zone ng bansa.
Taong 2012 nang kilalanin ng United Nations ang Benham Rise bilang bahagi ng EEZ ng Pilipinas.