Tatlong sundalo at dalawang sibilyan ang nasawi habang 11 ang sugatan matapos mabangga ng isang cement truck ang isang sasakyan na kabilang sa motorcade ng presidente ng DR Congo na si President Joseph Kabila.
Ayon kay Communications official Yvon Ramazani, naganap ang aksidente sa Matadi highway sa Kimpese na nasa Timog-Kanlurang bahagi ng bansa.
Pabalik na sana si Kabila ng Kinshasa, ang capital city matapos ang isang proyektong pinasinayaan sa port city of Matadi.
Ayon kay Ramazani, naganap ang aksidente dahil sa malakas na pag-uulan sa naturang lugar.
Ilan naman sa mga nakakita sa pangyayari ay nagsabi na ang dahilan ng aksidente ay bilis ng sasakyan.
Nanatili si President Kabila sa lugar na pinangyarihan ng aksidente hanggang dumating ang emergency services at personal na pinamunuan ang ambulance evacuation ng mga nasugatan at nasawi.
Ang 11 pang nasugatan ay kinabibilangan ng pito pang sundalo at apat na sibilyan.