NFA isasailalim sa audit kaugnay sa kinakapos na suplay ng murang bigas

Inquirer file photo

Sasailalim sa audit ang National Food Authority (NFA) para masigurong alinsunod sa patakaran ng gobyerno, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ipinahayag ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na layon ng audit na tiyaking nadi-distribute nang maayos ang bigas sa gitna ng umano’y kakapusan sa suplay ng bigas sa NFA.

Sinabi ni DA Usec.  Ariel Cayanan na inirekomeda ni Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Diwa Gunigundo ang audit sa pagpupulong ng NFA Council.

Ayon kay Piñol, mayroong sapat na suplay ng bigas para consumers, ngunit hindi ito umaabot sa publiko dahil ibinebenta ng NFA ang stocks nito sa retailers.

Una nang itinigil ng NFA ang distribusyon ng bigas sa accredited retailers dahil sa mababang suplay ng bigas. Prayoridad ng ahensya ngayon ang mga biktima ng kalamidad.

Read more...