DA nagbenta ng murang commercial rice sa kanilang tanggapan sa QC

INQUIRER.Net Photo

Kasabay ng Araw ng mga Puso ngayong araw, mas murang commercial rice ang alok ng Department of Agriculture.

Ibinibenta sa “Valentine’s Day Bigas ng Masa Tienda” sa tanggapan ng ahensya sa Quezon City ang murang commercial rice na direktang binili mula sa mga magsasaka.

Nasa 38 pesos ang bentahan ng kada kilo ng commerciall rice, mas mura kaysa 40 pesos hanggang 60 pesos na presyo sa mga palengke.

Nasa 26,000 na kilo ng bigas ang ibinibenta ng DA kung saan 25 kilo ang maximum na pwedeng bilhin ng isang tao.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ang hakbang ay bilang alalay sa mga magsasaka na maibenta ang kanilang bigas ng direkta sa mga mamimili.

Sa naturang programa ay nagbenta rin ang mga magsasaka ng bigas sa regional offices ng DA,

Plano ng ahensya na magtayo ng bigas ng masa tienda outlets sa lahat ng bayan sa bansa.

Bukas ang tindahan ng bigas sa DA hanggang alas 5:00 ng hapon ngayong araw ng Miyerkules.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...