Nagliyab ang isang mini truck na may kargang mga fishball sa Southbound ng EDSA-Boni pasado alas-12:20 ng madaling araw ng Miyerkules.
Ayon sa driver ng truck na si Warjun Generalao, galing sila ng kanyang pahinante sa talipapa sa Quezon City at papunta sana ng Bicol nang biglang nagkaproblema ang kanilang sasakyan.
Sumikip daw ang preno nito at maya-maya pa ay napansin nya na mayroon nang umuusok sa kanilang likuran.
Matapos nito, tuluyan nang nagliyab ang sasakyan kung saan kinain nito ang kalahating likod ng pinto.
Agad naman itong napansin ng mga tauhan ng MMDA at ng Bureau of Fire Protection.
Nasa 60 sako ng fishball ang karga ng mini truck na gagamitin sana pangbenta sa tindahan.
Samantala, nagdulot naman ng bahagyang pagbabara sa daloy ng trapiko ang aberya sa EDSA.