Ang epicenter ng lindol ay naganap sa 52 kilometers South ng Sarangani alas 2:53 ng madaling araw ng Miyerkules.
Ayon sa PHIVOLCS, may lalim na 109 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
Nauna dito, ala 1:00 ng madaling araw ay niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang bayan ng Kananga sa Leyte.
Naitala ng PHIVOLCS ang Intensity 4 sa Capoocan at Palompon, Leyte at Intensity 2 naman sa Cebu City dahil sa nasabing lindol.
MOST READ
LATEST STORIES