2015-2016 EL Niño, posibleng mas matindi pa sa naranasan noong 1997-1998

 

Mula sa Cebu Daily News/Inquirer.net

Posibleng malampasan pa ng mas El Niño na mararanasan ng bansa ngayong taon hanggang 2016 ang mga nakaraang record ng mga naunang El Niño na naranasan ng Pilipinas.

Batay sa mga climate models ng PAGASA, ang dinaranas na El Niño ngayon ay posibeleng mas matindi pa sa naransan noong 1997 hanggang 1998.

Ang 97-98 El Niño phenomenon ang itinuturing na pinakamatinding na umiral sa bansa sa loob ng 100 taon.

Batay sa prediksyon, posibleng tumaas ang Sea Surface Temperature Anomaly o SSTA warming at maranasan ito hanggang sa unang tatlong buwan ng 2016.

Kabilang sa mga epekto ng El Niño ay ang pagkakaroon ng below normal na rainfall na magdudulot ng dry spell at pagtaas ng antas ng temperatura.

Read more...