Bagyong Basyang nasa Sulu Sea na; Southern Palawan tinutumbok

 

Mula sa PAGASA

Napanatili ng bagyong Basyang ang lakas nito habang tinatawid ang Sulu Sea.

Sa 2:00 AM update ng PAGASA, muling nag-landfall ang bagyo sa Dumaguete City, Negros Oriental at tinatahak na ang direksyon patungong Palawan sa bilis na 26 kilometers per hour.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras at pagbugsong nasa 60 kph.

Nasa ilalim pa rin ng Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 ang mga lalawigan ng:

-Palawan kabilang na ang Calamian at Cuyo groups of islands
-Aklan
-Capiz
-Antique
-Iloilo
-Guimaras
-Negros Occidental
-Negros Oriental
-Siquijor
-Bohol
-Cebu
-Northern section ng Zamboanga del Norte

Tinatayang magla-landfall muli ang bagyong Basyang sa Southern Palawan, ngayong gabi.

Inaasahang makakaranas ng moderate to heavy rains ang Palawan at Kabisayaan sa susunod na 24 oras dahil sa epekto ng bagyo, ayon sa PAGASA.

Read more...