Sinabi ni Kuwait Foreign Minister Sheikh Sabah al-Khalid al Sabah na kanilang labis rin na ikinabigla ang mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pauwiin sa loob ng 72 oras ang mga OFW sa Kuwait na nais nang bumalik sa Pilipinas matapos matagpuang patay ang Pinay na si Joanna Demafelis sa isang freezer kamakailan.
Ayon kay Sheikh Sabah al-Khalid al Sabah sa mga panayam ng mga mamamahayag sa Kuwait na kanilang ikinagulat ang pahayag ni Pangulong Duterte dahil may mga high level talks nang nagaganap upang ipaliwanag ang kondisyon ng mga manggagawa sa Kuwait.
Dagdag pa ng opisyal, hindi aniya nakakatulong sa relasyon ng Pilipinas at Kuwait ang pagpapaigting pa ng usapin.
Giit pa ni Sheikh Sabah, nasa 170,00 mga Pinoy ang maayos na namumuhay sa Kuwait.