‘Fill Valentine’s Day with the Lenten spirit’- Abp. Villegas

 

Inquirer file photo

Hinimok ng isang Arsobispo ang mga mananampalataya na pagnilayan ang kahalagahan ng Ash Wednesday o Miyerkules ng Abo.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, ay dapat mas pairalin ng bawat isa ngayong Valentine’s Day ang diwa ng panahon ng Kuwaresma.

“Let us move from cheap love to true love. Let us fill Lent with love. Let us fill Valentine’s Day with the Lenten spirit,” ani Villegas.

Ngayong araw, ay kapwa tumaon sa parehong petsa ang Valentine’s Day at ang Miyerkules ng Abo, na unang araw ng panahon ng Kuwaresma.

Ito ang kauna-unahan matapos ang 73 taon.

Iginiit ng Arsobispo na ang pagmamahal ay pinakamagandang maipapakita sa pamamagitan ng sakripisyo.

Ang Ash Wednesday ay araw ng panalangin at pag-aayuno kung saan ipinapahid sa noo ng mga Katoliko ang abo bilang pagpapaalala na ang tao ay may pisikal na kamatayan at muling babalik sa abo.

At dahil ito ay araw ng pag-aayuno, ipinaalala ni Villegas ang kahalagahan ng ‘fasting at abstinence’ na isinasakatuparan tuwing sasapit ang Ash Wednesday.

Anya ang naturang mga gawi ay ‘acts of love’ at bilang pakikiramay sa mga nagugutom at naghihirap.

“The food we do not eat or the meat we abstain from must be given to those who practically fast everyday due to extreme poverty, enduring inhuman hunger,” ani Villegas.

Ang panahon ng Kuwaresma sa kalendaryong liturhikal ng Simbahang Katolika ay tatakbo sa 40 araw at magtatapos magtatapos bago ang Misa ng Huling Hapunan sa Huwebes Santo.

Read more...