Indian national sinaksak ng Pinoy sa Italy dahil sa mabahong sapatos

 

Arestado ang isang 19 anyos na Pilipino sa Milan, Italy matapos nitong saksakin ang kanyang boardmate dahil sa mabaho nitong sapatos.

Nakilala ang suspek na si Renzo Micalat na naaresto ng mga pulis habang nagtatago sa kisame ng kanilang flat sa Milan.

Nasa kritikal na kondisyon naman sanhi ng malalalim na saksak sa dibdib at braso ang hindi pinangalanang 47 anyos na biktimang Indian national na sumailalim sa operasyon sa Niguarda Hospital sa Milan.

Batay sa police report, nagwala umano ang suspek dahil sa malimit nitong naamoy ang umaalingasaw na sapatos ng biktima sa loob ng kanilang bahay.

Humantong ang pagtatalo ng dalawa sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Sa pagdating ng mga ototirdad, natagpuan ang duguang bangkay ng biktimang Indian at isinugod sa ospital.

Read more...