ICC prosecutor gustong isalang ni Duterte sa cross examination

AP

Gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na personal na ma-cross examine ang Internatyional Criminal Court Prosecutor na si Fatous Bensouda.

Ito ay matapos magpasya ang ICC na isalang na sa preliminary examinations ang reklamong crimes against humanity na isinampa nina Senador Antonio Trillanes IV, Atty. Jude Sabio at Edgar Matobato sa ICC laban kay Pangulong Duterte dahil sa nauwi na umano sa pagmasaker ang madugong kampanya kontra sa ilegal na droga.

Ayon sa pangulo, hinintayin niya na pumunta sa Pilipinas si Bensouda para makilatis kung gaano kagaling ito.

Nais ng pangulo na magkaroon sila ng one-on-one ni Bensouda at bibigyan ng ilang katanungan.

Tiniyak pa ni Duterte na mapapahiya lamang si Bensouda dahil mapagtatanto nito na mali ang kanyang ginagawa na imbestigahan ang kanyang kampanya kontra sa ilegal na droga.

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang hurisdiksyon ang ICC na pakialaman ang domestic problem ng Pilipinas gaya sa usapin sa ilegal na droga.

Read more...