Pinuri ng Malacañang ang mga opisyal ng lokal na opisyal ng Davao City sa pagdedeklara kay Sen. Antonio Trillanes bilang persona non grata.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi siya magbibigay ng anumang pahayag maliban sa pagbati sa mga opisyal ng Davao City.
Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Davao City Vice Mayor Bernard Al-ag na isang malaking pang-iinsulto sa mga residente ng Davao City nang sabihin ni Trillanes na isa ang kanilang lungsod sa pinaka-mapanganib na lugar sa buong mundo.
Hindi rin umano tama na sabihin ng mambabatas na sila ay na-brainwashed para mapaniwala na isang matahimik na lungsod ang Davao.
Hinamon rin nila ang mambabatas na patunayan ang kanyang mga akusasyon na ang Davao City ang pangalawa sa may pinakamataas na kaso ng rape noong taong 2015.
Dahil sa mga sinabi ni Trillanes ay hindi na siya welcome sa Davao City ayon pa kay Al-ag.
Wala pang inilalabas na pahayag ang pangulo hingil sa nasabing deklarasyon laban kay Trillanes.