9 na miyembro ng Maute at Abu Sayyaf inilipat sa Taguig

Mula Bureau of Jail Management and Penology sa Davao inilipat na sa Camp Bagong Diwa sa Taguig ang siyam na high-risk inmates na miyembro ng Maute at Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay Jail Insp. Edo Lobenia, tagapagsalita ng BJMP 11, kabilang sa mga inilipat ang 7 miyembro ng Maute group at 2 miyembro ng Abu Sayyaf.

Dinala ang siyam sa Special Intensive Care Area ng Camp Bagong Diwa.

Isinagawa ang paglilipat linggo ng gabi at mahigpit ang ipinatupad na seguridad.

 

 

 

 

Read more...