Eastern Mindanao Command nagtaas ng red alert dahil sa Tropical Storm Basyang

Nagtaas ng red alert status ang Eastern Mindanao Command dahil sa pananalasa ng tropical storm Basyang.

Inatasan ni EastMinCom head Lt. Gen. Benjamin Madrigal Jr. ang kaniyang mga tauhan na makipag-ugnayan sa Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMC) sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Madrigal naka-preposition na rin ang lahat ng military assets at kanilang mga tauhan para rumesponde kung magkakaroon ng emergency situation.

Tutulong din ang mga tauhan ng EastMinCom sa paglilikas ng mga residente kung kinakailangan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...