Pilipinas, hawak na ang Guinness record sa pinakamalaking mosaic na gawa sa barya

Mula kay Nestor Corrales/Inquirer.net

Hawak na ng Pilipinas ang Guinness World Record para sa pinakamalaking mosaic na gawa sa barya na may sukat na 252.78 square meters.

Ang unang nabuong coin mosaic ay may laking 252.78 square meters na tumalo sa dating record na 156 square meters na naitala sa Amerika.

Makikita sa imahe ng nabuong mosaic ang 25th anniversary logo ng Western Union Philippines na nagpasimuno ng naturang proyekto.

Binubuo ang mosaic ng mga P10, P5, P1, P0.25 at P0.10 na mga coins.

Bagaman hindi inihayag kung magkano ang halaga ng mga baryang nakapaloob sa naturang mosaic, sinabi ng mga opisyal ng Western Union na gagamitin ito para pondohan ang mga proyektong may kinalaman sa pagpapalawig ng edukasyon ng mga elementary public school students.

Read more...