Kotse, bumaligtad matapos iwasan ang dalawang nakabisikleta sa Ermita, Maynila

Kuha ni Mark Makalalad

Bumaligtadang isang kotse matapos iwasan ang dalawang nagbibisikleta sa MacArthur Bridge Lawton Ermita Maynila pasado alas 3:00 ng madaling araw ng Martes, Feb. 13.

Maswerteng gasgas lang sa tuhod ang tinamo ng Uber driver habang hindi naman nasugatan ang dalawa niyang pasahero na ihahatid lang sana sa Sta. Cruz.

Tumangging magbigay ng kanyang pangalan ang naaksidenteng driver pero kanyang isinalaysay na papaakyat na sila ng tulay nang biglang sumulpot ang dalawang bisikleta na may mga angkas.

Sa takot na makasagasa, agad nyang iniiwas ang kanyang sasakyan na kasamaang palad naman ay tumama sa gutter.

Sa lakas ng pagkakabangga, tuluyan nang bumaligtad ang sasakyan kung saan nabasag ang windshield at side mirror nito.

Nasira rin ng ang isang gulong sa harapan ng sasakyan dahil sa aksidente.

Samantala, isang lane naman ng tulay ang pansamantalang hindi nadaanan hanggang sa mahatak ang kotse pasado alas kwatro ng madaling araw.

 

 

 

 

 

Read more...