Dinala sa New York-Presbyterian / Weill Cornell Medical Center si Vanessa Trump matapos itong makaramdam umano ng pagkahilo makaraan niyang buksan ang isang liham na naglalaman ng hindi pa matukoy na white powder.
Gayunman, napag-alaman naman na non-hazardous o hindi naman mapanganib ang nasabing white powder na laman ng package.
Ayon kay New York Police Department spokesman Carlos Nieves, dumating ang nasabing mail at naka-address ito kay Donald Trump Jr.
Dina din sa ospital ang ina ni Vanessa bagaman hindi naman ito nakaramdam ng anumang sintomas.
Nakaalerto ang mga otoridad sa Estados Unidos sa mga liham na may lamang white powder mula pa noong 2001.
Ito’y matapos ipadala ang ilang mga sobre na naglalaman ng anthrax sa mga media outlets at mambabatas, na ikinasawi ng lima katao.