Ito ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng gobyernong mahuhuli niyang panay ang pagbiyahe sa ibang bansa gamit ang pera ng bayan.
Sa inagurasyon ng Malasakit Helo Desk at Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City kahapon, ipinahayag ni Duterte ang kaniyang pagkadismaya sa mga opisyal na panay ang pagdalo sa mga conferences sa ibang bansa.
Ani Duterte, nauubos na ang pera ng gobyerno dahil lahat na lang ng mga opisyal ay interesadong dumalo sa mga samu’t saring pagtitipon.
Sa ngayon aniya ay kinokontrol na niya ang pagbiahe ng mga ito sa pamamagitan ng paghingi ng written explanation sa lahat kung bakit nila kailangang bumiyahe.
Paliwanag ng pangulo, wala namang magiging problema kung ang opisyal ang gagastos sa kaniyang pagbiyahe sa labas ng bansa.
Kailangan lang aniyang magpaalam ng mga ito at sabihin na sila ang gagastos sa sarili nilang biyahe.
Gayunman, kung gagamit ang mga opisyal ng pera ng gobyerno, hiningan niya ng report ang mga ito para mabigyang katwiran ang nasabing biyahe.