Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pasok ito sa konsepto ng state of responsibility kahit pa ang mga employer ang sanhi ng pagkamatay ng mga Pinoy workers sa Kuwait.
Paliwanag pa ni Roque, sa ilalim ng international law ay may legal obligation ang Kuwait para bigyan ng ayudang legal ang mga biktimang Pinoy workers.
Kasabay nito, sinabi ni Roque na maaring hindi na matuloy ang pagbiyahe ng pangulo sa Kuwait.
Taliwas ito sa naging pahayag ng pangulo na nakatakda sanang dumalas sa kuwait matapos ang imbitiasyon ni Kuwaiti Ambassador to the Philippines Musaed Saleh Althwaikh.
Matatandaang kaninang umaga, nagpalabas na ng total ban ng deployment ang Department of Labor and Employment sa mga OFW sa nasabing bansa.