Naniniwala si House Justice Committee Vice Chairman Vicente “Ching” Veloso na hindi na kailangan i-impeach si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa pagdinig ng komite, sinabi ni Veloso na sa simula pa lamang ay hindi na balido ang appointment o pagkakatalaga ni Sereno bilang Chief Justice.
Paliwanag ni Veloso, ito ay dahil sa hindi naman nakapag-comply si Sereno sa itinatadhana ng batas upang maging aplikante sa posisyon bilang Punong Mahistrado.
Ito ay dahil sa tatlong Statement of Assets Liabilities and Net Worth lamang ang isinumite nito gayung sampu ang kinakailangan mulang nang siya’y manungkulan sa pamahalaan bilang propesor sa U.P.
Malayo ito sa isinumite ng iba pang mahistrado ng Supreme Court na aplikante rin sa posisyon na binakante ni dating Chief Justice Renato Corona.
Sinabi ni Atty. Analiza Ty-Capasite, umaabot sa 19 na SALN ang isinumite ni dating Supreme Court Justice Prisbetero Velasco, labinglima kay Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro, kabuuang 14 kay Senior Associate Justice Antonio Carpio at sampung SALN para kay Associate Justice Arturo Brion.