Rice hoarding sa bansa kinumpirma ng NFA

Inquirer photo

Inatasan ng National Food Authority Council ang NFA na maging pro-active at inspeksyunin ang mga warehouse ng mga private traders na nagtatago ng bigas.

Ayon kay NFA Council Chairman at Cabinet Secretary Leoncio Evasco, may nagaganap na rice hoarding sa Pilipinas.

Economic sabotage aniya ang maaring ikaso sa mga private traders habang dereliction of duty o kapabayaan sa tungkulin ang maaring kaharapin ng mga opisyal ng NFA.

Tiniyak pa ni Evasco na on top of the situation ang kanilang hanay sa rice shortage.

Aangkat aniya ang Pilipinas ng 250,000 metric tons ng bigas sa mga susunod na araw.

Bukod dito, sinabi ni Evasco na papasok na ang anihan ng mga magsasaka sa Marso kung saan aabot sa 4.9 million metric tons ng palay ang inaasahang maani ng mga magsasaka.

Sa 4.9 million metric tons na palay ito ay pwedeng umabot sa 3.6 million metric tons ng bigas ayon pa sa NFA.

Read more...