Dating Comelec Chairman Bautista, ipinaaaresto ng Senado

Ipinaaaresto na ng senado si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista dahil sa patuloy na pag-isnab nito sa pagdinig ng Senate Committee on Banks na nag-iimbestiga kaugnay sa umano’y kwestyonableng bank accounts nito sa Luzon Development Bank.

Sa isinagawang pagdinig ng komite, no show si Bautista kung kaya cited for contempt na ito ng komite.

Sa pagdinig ngayong araw ng Lunes, nagpadala pa ng sulat sa komite si Bautista at humihiling na kanselahin ang subpoena sa kaniya dahil nasa ibang bansa umano siya para maghanap ng trabaho.

Pero imbes na kanselahin ang subpoena, ipinag-utos ni Senator Chiz Escudero, chairmanng komite na i-contempt na si Bautista.

Ayon kay Escudero, posibleng nagsisinungaling si Bautista dahil mayroon silang nakuhang impormasyon na lumabas ng bansa si Bautista noong Oktubre 2017 at nakabalik din ito ng Nobyembre 2017.

 

 

 

Read more...