Ombudsman, pinatatangal sa pwesto si Cebu Rep. Gwen Garcia

INQUIRER FILE PHOTO

Ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang dismissal mula sa serbisyo si dating Cebu Governor ay ngayon ay 3rd District Representative Gwendolyn Garcia dahil sa grave misconduct.

Kasama din sa dismissal order ang perpetual disqualification mula sa paghawak ng kahit anumang pwesto sa gobyerno at ang pagkansela at patanggal sa retirement benefits nito.

Binigyan ng direktiba ng Ombudsman si Speaker Pantaleon Alvarez na ipatupad ang nasabing kautusan.

Taong 2008 ng bilhin ni Garcia ang kontrobersyal na Balili property na may sukat na 249,246 square meters sa Tinaan, Naga, Cebu sa halagang P98,926,800.00.

Kalaunan ay nadiskubre ng mga otordiad na ang nasa 196,696 square meters ng nasabing property ay underwater at bahagi ng mangrove area.

Noong 2012 ng magsagawa ng public bidding ang lokal na pamahalaan para sa supply at delivery ng backfilling materials at iba pang incidentals sa submerged at mangrove portions nito.

Na-iaward ang proyekto sa Supreme ABF Construction na siyang lowest calculated at responsive bidder na may kabuuang bid na P248.75/cubic meter.

Base sa records, naglabas ang provincial government ng nasa P24,468,927.66 para sa nanalong contractor.

Dahil sa pagsisiyasat ng Ombudsman ay kanilang napag-alaman na walang authority si Garcia mula sa Sanguniang Panlalawigan (SP) ng siya ay pumasok sa kontrata sa ABF Construction.

 

 

 

Read more...