Ayon sa Department of Finance magaganap sa Mactan ang ikaapat na bahagi ng dayalogo para sa Philippines-Japan High-Level Committee on Infrastructure and Economic Cooperation.
Pangungunahan ang delegasyon ng bansa ni Finance Secretary Carlos Dominguez III habang ang Japanese officials naman ay pangungunahan ni Special Adviser to Japan Prime Minister Shinzo Abe na si Dr. Hiroto Izumi.
Ayon pa sa kagawaran, inaasahang muling lalagda ang mga opisyal ng dalawang gobyerno sa ‘record of discussions’ at iba pang mga dokumentong may kinalaman sa kooperasyon ng Pilipinas at Japan sa imprastraktura.
Nauna nang lumagda ang Pilipinas sa pangunguna ni Sec. Dominguez sa isang 15.93 billion yen loan agreement kasama ang Japan International Cooperation Agency (JICA) para sa flood control project sa lalawigan ng Cavite.