Inanunsyo na ng Fashion Guru na si Ralph Lauren ang pagbaba sa kanyang Fashion Empire bilang Chief Executive Officer ng sarili niyang kumpanya na kanyang itinayo limampung-taon na ang nakalilipas.
Papalit sa kanya bilang Chief Executive Officer ng Ralph Lauren at Polo Brand ang 41-year-old na si Stefan Larsson.
Si Larsson ay dating CEO ng H&M at Pangulo ng Old Navy na isang brand entity sa ilalim ng GAP company. Sinabi ng 75-anyos na si Lauren na tiwala siya sa kakayahan ng papalit sa kanyang trono bilang pinuno ng isa sa pinaka-matagumpay na pangalan sa Fashion industry.
Inanunsyo ni Lauren ang kanyang pagbaba sa pwesto sa gitna na rin ng pagbaba ng sales ng Ralph Lauren sa nakalipas na taon kung saan ay bumaba ang kanilang overall sales ng 5.3%.
Pormal na pamumunuan ni Larsson ang Ralph Lauren at Polo Brand sa buwan ng Nobyembre kasabay ng pagpapakilala sa mga bagong designs sa kanilang apparel business.
Hindi naman tuluyang iiwan ni Lauren ang kanyang kumpanya dahil siya pa rin ang mananatiling Executive Chairman at Chief Creative Officer ng kanilang business empire.
Pinaghahandaan din ng nasabing apparel giant ang partnership sa iba pang kilalang brands sa industriya tulad ng Yves Saint, Laurent and Pierre Berge’ at Calvin Kline.
Si Lauren pa rin ang mananatiling biggest individual shareholder ng naturang kompanya.