Pumalag si Senador Sonny Angara sa puna ng ilan na papogi lamang o isang uri ng political move na maituturing ang ang panukalang ibaba ang singil sa buwis ng mga manggagawa sa bansa.
Ayon kay Angara, Chairman ng Senate Ways and Means Committee, hindi naman siya kakandidato ngayong 2016 kung kaya walang dahilan para siya magpalapad ng papel sa mga botante.
Giit pa ni Angara na labis nang nakaawa ang mga ordinarying manggagawa dahil sa laki ng buwis na ikinakaltas sa kakarampot na sweldo. Kasabay nito, sinabi ni angara na hindi niya batid kung nakumbinsi na niya si Pangulong Noynoy Aquino para ipatupad ang tax reform.
Nabatid na nakipagpulong kanina si Angara sa Pangulo kasama ang mga economic managers ng Malacanang.
Samantala, hinimok ni Sen. Chiz Escudero ang dalawang kapulungan ng kongreso na madaliin na ang pag apruba sa panukalang ibaba ang buwis.
Binigyang-diin ni Escudero na kakapusin na sa oras ang kongreso kung hindi ito agad na maaprubahan.
Idinagdag pa ng mambabatas na kapag hindi naaprubahan ngayon ng kongreso ang panukala ay muling babalik na naman sa square one ang naturang panukala.