Nadagdagan pa ang bilang ng mga lugar na nasa ilalim ng signal number 1 dahil sa bagyong Basyang.
Sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 870 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na 65 kilometers per hour at pagbugso na 80 kilometers per hour.
Tinatayang kikilos ito patungo sa direksyong West Northwest sa bilis na 27 kilometers per hour.
Nadagdagan naman ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone warning signal number 1.
Ngayon ay nakataas na ito sa mga lugar ng Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Camiguin, Compostela Valley, Davao Oriental, Davao del Norte, Misamis Oriental at Bukidnon.
Inaasahang magla-landfall ang bagyong Basyang sa Caraga Region, bukas ng umaga, araw ng Martes, February 13.
Samantala, nag-anunsyo naman ang lokal na pamahalaan ng Surigao del Norte na walang pasok ngayong araw, Lunes, February 12 sa mga pampubliko at pribadong pre-school hanggang elementary dahil sa masamang lagay ng panahon.