Inaasahan kasing magdadala ng mga pag-uulan ang naturang bagyo sa hilaga at silangang bahagi ng Mindanao na dadaloy sa Davao River at posibleng magdulot ng flash flood sa lungsod.
Sa isang pahayag, sinabi ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na naka-standby na ang lhat ng kanilang mga response units para sa posibleng pagbabaha sa lugar.
Nakaalerto na rin sa ngayon ang mga flood-prone barangays.
Binalaan ng PAGASA ang mga mangingisda at iba pang mga maliliit na sasakyang pandagat na hindi ligtas mamalaot sa eastern seabord ng Visayas at Mindanao dahil sa malalakas na hanging dala ng Bagyong Basyang.