Lulan ng short-haul regional Antonov AN-148 flight 6W703 plane ang nasa 65 pasahero at anim na crew nang bigla itong mawala sa radar ilang minuto makalipas lumipad mula sa Domodedovo airport sa Moscow.
Patungo sana ang naturang eroplano sa syudad ng Orsk sa Orenburg region malapit sa border ng Kazakhstan nang mangyari ang trahedya.
Matapos ang ulat ng pagkawala ng eroplano, agad na naglunsad ng search and rescue operation ang mga otoridad.
Gayunman, natagpuan ang pira-pirasong bahagi ng eroplano sa isang snow-covered field ilang kilometro ang layo sa Moscow.
Naglunsad na ng imbestigasyon ang Russian Ministry of Transportation upang matukoy ang dahilan ng pagbagsak ng commercial plane nap ag-aari ng Saratov Airlines.
Nagpahatid naman ng pakikiramay si Russian President Vladimir Putin sa pamilya ng mga nasawi sa trahedya.