Sa isang linggong dry run, magpapakalat ang MMDA sa kalakhang Maynila ng mga traffic enforcers na mayroong suot na mga body camera para kuhanan ng video ang mga illegally parked na mga sasakyan.
Ayon kay MMDA operations supervisor Bong Nebrija, partikular na pupuntahan ng mga MMDA team ang mga kalyeng mayroong ‘No Parking’ signs.
Kung darating ang mga may-ari ng sasakyan sa loob ng limang minuto, bibigyan sila ng ticket at pagbabayarin ng P500 multa.
Ngunit kung hindi naman darating ang mga may-ari ng sasakyan ay makakatanggap ng summons ang mga ito kalakip ang video footage bilang ebidensya.
Mayroon namang pitong araw para i-contest o kontrahin ng mga may-ari ng sasakyan ang matatanggap na summon.
Paliwanag ni Nebrija, mas mabilis ang operasyon ng MMDA sa pamamagitan ng no-contact aprrehension, kaysa i-tow pa ang mgasasakyan. lalo na’t masikip ang ilang mga kalye.