5 Abu Sayyaf, patay sa engkwentro sa Sulu

 

Limang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf ang nasawi samantalang pitong sundalo ang nasugatan sa bakbakan sa Panamao, Sulu, Linggo ng umaga.

Ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., commander ng Western Mindanao Command, naganap ang bakbakan sa pagitan ng dalawang panig sa Bud Pawis, sakop ng Old Panamao sa Sulu.

Nagsasagawa aniya ng military operation ang kanilang puwersa upang sagipin ang isa sa mga hostage ng Abu Sayyaf dakong alas 4:15 ng umaga na si Jade Quimpo.

Dito na nila nakaengkwentro ang mga bandidong grupo na tumagal ng isang oras.

Agad namang nadala sa ospital ang mga nasugatang sundalo.

Nagpapatuloy naman ang hot pursuit operations ng mga sundalo sa mga nagsitakas na mga bandido.

Sinasabing mga miyembro ng grupo nina Abu Sayyaf leaders, Sansibar Bensio at Hatib Munap Binda ang mga nakalaban ng tropa ng militar.

Read more...